TUGUEGARAO CITY-Pinag-iingat ang lahat ng mga overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan dahil sa sakit na Novel Coronavirus kung saan tatlo katao na umano ang naitala sa nasabing bansa.
Sa naging panayam kay Virgillo Bosi, isang OFW sa taiwan na tubong Peñablanca, Cagayan, hindi sila lumalabas na walang suot na face masks.
Ayon kay Bosi,ito ay bilang proteksyon sa nasabing sakit dahil iba’t-ibang personalidad ang kanilang mga nakakahalubilo sa mga pook pasyalan na madalas nilang tambayan.
Bukod dito, pinag-iingat din umano ang mga OFWs sa mga ibinebentang karne sa lugar dahil maari itong hindi malinis na naihanda.
Samantala, masayang naidaos ang Chinese New year sa nasabing bansa sakabila nang banta ng nasabing sakit.
-- ADVERTISEMENT --