Wala pa ring pahinga sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, na apat na linggo nang sunod-sunod.

Ayon sa isang opisyal ng Department of Energy (DOE), maglalaro ang taas-presyo sa gasolina ng P1.25 – P1.50 per liter. Aabot naman sa P0.40-P0.60 ang diesel, at P0.60-P0.80 sa kerosene.

Ang pagtaya ay batay sa galaw ng oil trading sa pandaigdigang merkado nitong nakalipas na apat na araw.

Inaanunsyo ng oil companies sa bansa ang price adjustments tuwing Lunes, at ipatutupad sa Martes.

Ngayong taon, umaabot na sa P9.25 per liter ang net increase sa presyo ng gasolina; P8.40 per liter sa diesel; at P1.75 per liter sa kerosene.

-- ADVERTISEMENT --