Inaasahang muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa simula Martes, Marso 3, 2026,.

Batay sa paunang pagtataya, posibleng madagdagan ang presyo ng gasolina ng P1.70 hanggang P2.00 kada litro. Ang diesel naman ay maaaring tumaas ng P1.00 hanggang P1.30 kada litro, habang ang kerosene ay inaasahang magmamahal ng P1.30 hanggang P1.50 kada litro.

Ilalabas ng mga kumpanya ng langis ang pinal at opisyal na anunsyo ng price adjustment sa Lunes, Marso 2, 2026.

Pinapayuhan ang mga motorista na magpakarga nang mas maaga bago ipatupad ang dagdag-presyo upang makaiwas sa posibleng pagsisiksikan sa mga gasolinahan at mas malaking gastos.