
Magpapatupad muli ng malaking taas-presyo sa mga produktong petrolyo bukas, Nobyembre 4, 2025, ayon sa mga kumpanyang nagbebenta ng langis.
Tataas ng ₱1.70 kada litro ang gasolina, ₱2.70 kada litro ang diesel, at ₱2.10 kada litro ang kerosene.
Ito na ang ikalimang sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng gasolina at ang ikalawang linggo para sa diesel at kerosene.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), ang panibagong taas-presyo ay bunsod ng pagtaas ng pandaigdigang demand sa gitna ng pagluwag ng tensyon sa pagitan ng US at China, gayundin ng mga parusang ipinataw ng UK, US, at EU sa Russia.
Sa kabuuan, umabot na sa netong pagtaas na ₱16.50 kada litro para sa gasolina, ₱19.15 para sa diesel, at ₱6.55 para sa kerosene ang naitala ngayong taon hanggang Oktubre 28, 2025.










