
Tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Indiana Pacers 103-91 sa Game 7 ng NBA Finals.
Tinapos ni Shai Gilgeous-Alexander ang kanyang MVP season sa 29 points at 12 assists, at nagkampeon ang Thunders sa NBA championship, kung saan umarangkada ang koponan sa second half ng laro para talunin ang Indiana Pacers.
Nakapagbuslo naman si Jalen Williams ng 20 points at 18 naman kay Chet Holmgrem para sa Thunder.
Nanalo ang Thunder ng 84 games sa pagitan ng regular season at playoffs.
Ito ang pangalawang championship para sa franchise.
Napanalunan ng Seattle Supersonics ang NBA title noong 1979; inilipat ang koponan sa Oklahoma City noong 2008.
Nanguna sa puntos ang Pacers 48-47 sa half sa kabila na hindi nakapagpatuloy sa laro ang star guard Tyrese Haliburton, na ayon sa kanyang ama ay dahil sa Achilles tendon injury sa loob ng pitong minuto sa laro.
Subalit, naabutan sila ng Thunders sa 34-20 sa third quarter.
Nakapagtala si Bennedict Mathurin ng 24 points at 13 rebounds para sa Indiana, na naghihintay pa ng kanilang unang NBA title.