Opisyal nang miyembro ng faculty ng University of the Philippines Diliman (UPD) si Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa.

Ayon sa unibersidad, dumalo si Diaz sa Teaching Effectiveness Course (TEC) na alok ng UPD Office para sa Advancement of Teaching mula January 12 hanggang 15, bilang paghahanda sa kanyang pagtuturo sa College of Kinetics (CHK).

Sinabi ng UPD, ginagawa ang TEC para matulungan ang faculty members at teaching assistants na nais na mapabuti pa ang kanilang pagtuturo.

Sinabi ni Diaz na isang magandang bagay na nakadalo siya sa TEC, dahil nagkaroon siya ng ideya kung paano ang magiging approach sa paghawak ng klase.

Ayon pa kay Diaz, gusto niyang maturuan ang mas maraming estudyante para mas marami ang makaintindi sa weightlifting, dahil sa regular event na ito sa Palarong Pambansa.

-- ADVERTISEMENT --

Dalawang PE sections ang tuturuan ni Diaz sa weightlifting sa second semester ng 2025-2026 academic year.

Nakatakda ring tumanggap si Diaz ng high honor sa pamamagitan ng isang estatwa sa Zamboanga City, ayon kay Mayor Khymer Adan Olaso.