
Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nakatakdang imbestigahan ang umano’y franchise violations ng solar energy firm na itinatag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, kasunod ng mga pahayag na ang paglipat sa franchise nito ay walang pag-aproba ng Kongreso.
Pumayag si Leviste noong buwan ng Hunyo na bawiin ang kanyang shares sa SP New Energy Corp. (SPNEC)bago ang pag-upo niya sa 20th Congress.
Ang SPNEC ay subsidiary ng Solar Philippines, ang kumpanya na itinatag ni Leviste noong 2013 at ito ay ikonokonsidera na pinakamalaking solar company sa Southeast Asia.
Sinabi ng SPNEC na lumagda si Leviste ng kasunduan na ibenta ang kanyang shares sa kumpanya sa Solar Philippines at affiliates nito, na nakapagtala ng mahigit 34 billion na total funding.
Subalit sinabi ni Remulla na ang pagbenta ni Leviste sa kanyang shares sa kumpanya ay walang pag-aproba mula sa Kongreso.
Inilawaran ng Ombudsman ang proseso na “critical,” kung saan mayroong 84 na kontrata na kinansela.
Binigyang-diin ni Remulla na hindi dapat na tinatrato na negosyo ang franchise.
Dahil dito, sinabi ni Remulla na dapat na mahiya si Leviste dahil sa bata pa lamang siya ay nagbenta na siya ng franchise.
Ayon sa kanya, ang national franchise para sa renewable energy ay mahalaga sa buhay ng bansa at hindi dapat na binili at agad na ibebenta para kumita.
Ang malaking bahagi ng share ay ibinenta sa isang power distribution companya at sa public shareholders.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Leviste na sasagutin niya ang lahat ng alegasyon sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Jan. 26.










