
Naghain ng reklamong malversation at graft ang Office of the Ombudsman laban kay ex-Senator Ramon Revilla Jr., dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez at lima iba pa sa umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, ang criminal charges na inihain laban kay Revilla ay ikalawang batch ng flood control-related criminal cases na inihain ng prosekusyon ng Ombudsman sa Sandiganbayan.
Ang mga kaso laban sa public officials sa ilalim ng Salary Grade 27 at mas mataas pa ay inihahain sa Sandiganbayan.
Noong Disyembre 2025, isinampa rin ang malversation at graft charges ng Ombudsman prosecutors laban kay dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at 16 iba pa sa Sandiganabayan kaugnay sa P289 milyong substandard road dike project sa Oriental Mindoro.
Wala pang komento si Revilla kaugnay nito.








