Pinag-aaralan ng Office of the Ombudsman ang civil forfeiture case laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa nasabing kaso, pinapahintulutan ang pamahalaan na kunin ang assets ng isang tao na hindi na kailangang sampahan ng kaso.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, determinado ang anti-graft office na maghain ng gross criminal neglect o gross neglect para sa civil forfeiture ng lahat ng assets ni Romualdez.

Noong December 18, sinabi ng Department of Public Works and Highways na inirekomenda nila ang criminal at administrative charges laban sa 87 indibidual, kabilang si Romualdez, may kaugnayan sa flood control corruption scandal.

Sinabi naman ng kampo ni Romualdez na ang rekomendasyon ng DPWH na maghain ng reklamo laban sa kanya ay hindi nangangahulugan na guilty siya sa mga alegasyon laban sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --