Pansamantalang sinuspinde ng Saint Vincent Ferrer Parish Church sa bayan ng Solana, Cagayan maging ang iba pang simbahan ang misa sa kada araw ng linggo bilang pagtalima sa derektiba ng gobyerno na pag-iwas sa mass gathering bilang pag-iingat sa coronavirus disease (covid 19).
Ayon kay Father Gary Agcaoili, parish priest ng Saint Vincent Ferrer, lahat ng kanilang parokya ay nabigyan na ng impormasyon ukol sa hindi pagsasagawa ng misa sa kada-araw ng linggo hanggang April 14, 2020.
Ngunit, sinabi ni Father Agcaoili na magkakaroon ng mass on air na mapapakinggan at maririnig sa himpilan ng Bombo radyo Tuguegarao sa oras na 8:00 ng umaga.
Aniya,maliban sa pari ay kasama rin nito ang lecturer at limang choir sa pagsasagawa ng mass on air.
Bukod dito, sinabi ng pari na kanselado na rin ang pagsasagawa ng Seven Last Word , Good Friday procession maging ang Easter Salubong dahil ito ay isang malaking pagtitipon sa mga mananampalatayang katoliko.
Sakabila nito, hinimok ni Fr. Agcaoili ang mga katoliko na seryossohin ang pagdarasal at makiisa sa pag-aayuno ngayong Lenten season.
Tuloy naman aniya ang mga misa sa weekdays kung saan dalawang beses nila itong gagawin partikular sa araw ng Miyerkules at Biyernes ngunit mahigpit na ipatutupad ang social distancing.
Samantala, pinayuhan ni Fr. Agcaoili ang publiko lalo na ang mga maglilibing ng kanilang mga mahal sa buhay na tanging ang mga pamilya lamang ng namatay ang kanilang pinapapasok sa simbahan bilang pag-iingat sa pandemic virus.