Umaasa ang Department of Agriculture Region 2 na makakatulong sa mga magsasaka ang ang One Stop-Shop Farmers Action Center.
Sinabi ni Dr. Rose Mary Aquino, executive director ng DA Region 2 na ang layunin ng One-Stop-Shop Action Center ay para mailapit ang serbisyo at mga programa ng DA sa publiko at maibigay ang mas maayos na serbisyo sa mga magsasaka at mga mangingisda.
Ayon sa kanya, sa pamamagitan nito ay hindi na kailangan na pumunta pa sa DA Regional Field Office 2 dito sa lungsod ng Tuguegarao ang isang magsasaka o mangingisda para ilapit ang kanilang problema o mga concerns o mga hinaing na may kinalaman sa agrikultura.
Sinabi pa ni Aquino na ito ay tugon din sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang “Ease of Doing Business.” lalo na ang mga kailangan ng mga delivery trucks para sa transport ng kanilang mga agricultural products na exempted na ang mga ito sa pagbabayad ng toll fee.
Matatagpuan ang One-Stop-Shop Action Center sa research centers ng tanggapan sa Iguig, Solana, at Abulug sa Cagayan, San Felipe at Gamu Isabela sa Isabela, Aglipay, Quirino, at Bagabag, Nueva Vizcaya.