TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang Local Government Unit(LGU)-Tuguegarao sa mga negosyante na samantalahin ang One-Stop Shop Processing sa renewal ng business permit ngayong taon.

Ito ay para maiwasan na mapatawan ng multa dahil sa bigong makapagrenew ng permit.

Ang one stop shop ay isang paraan para mapabilis ang proseso sa pagkuha ng mayors permit maging ang pagrerenew ng permit.

Nabatid na lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na kailangan para kumuha ng permit ay nasa City Hall na kung kaya’t mas mabilis ito sa mga negosyante.