Mahigpit na minomonitor ng Regional Civil Security Group ng Police Regional Office 02 ang mga fixers o nambibiktima sa mga kumukuha o nag-rerenew ng lisensiya ng baril.

Gayonman, ayon kay PSMSGT Fax Rodriguez ng PNP-CSG na simula nang ilunsad ang online application sa pagkuha ng Licence to Own and Possess Firearms (LTOPF) ay naging corruption free na ang pagpaparehistro ng mga baril.

Paliwanag ni Rodriquez, na nawala na ang mga fixers dahil mabilis na ang proseso sa ilalim ng sistema at hindi na mangangailangan pa na magbayad ng ibang tao para makuha ang LTOPF.

Sa pamamagitan ng online apllication, lahat ng babayarang fees ay idadaan sa Landbank of the Philippines.

Sa mga humahawak ng type 1 license, kinakailangang magbayad ng P1,000 plus P200 para makapagmay-ari ng dalawang rehistradong armas, P2,000 plus P200 naman para sa mga humahawak ng type 2 license para makapagmay-ari naman ng hanggang limang rehistradong armas.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Rodriquez, bawal na ang pagbili ng mga matataas na kalibre ng baril batay na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para makapag-apply online kailangan lamang na pumunta sa website na feo-system.com