TUGUEGARAO CITY- Ipatutupad na sa buwan ng Nobyembre ngayong taon ang bagong sistema sa pagkuha ng police clearance.
Kaugnay nito sinabi ni PLt.Isabelita Gano ng PNP Tuguegarao na sa dito na Tuguegarao at sa Lallo na lang maaaring kumuha ng nasabing dokumento.
Sinabi niya na batay sa inilabas na memorandum circular ng National Police Commission, ipatutupad na ang on line application ng police clearance.
Ayon kay Gano, bisitahin lang ang PNPclearance.ph at punan ang mga hinihinging impormasyon.
Kasunod nito ay hintayin ang kumpirmasyon nang iy ong schedule para sa pagpunta sa PNP station para makuha ang police clearance.
Bago nito, kailangan munang magbayad sa Land Bank ng P150 para sa police clearance at P10 para sa fee sa nasabing bangko.
Idinagdag pa ni Gano na sa pagpunta sa PNP station ay magdala ng 2 valid government IDs at kung wala namang ID ay birth certificate.
Sinabi ni Gano na layunin ng nasabing bagong sistema na mabilis na makita ang record ng isang tao kung siya ay may kaso o wala.
Kaugnay nito, sinabi na Gano na mahirap ang nasabing bagong sistema lalo na at dalawang PNP station ang maaaring pagkuhanan ng dokumento.
Subalit, sinabi niya masasanay din ang mga mamamayan.