TUGUEGARAO CITY-Imposible umanong maipatupad sa Lipatan Integrated school sa bayan ng Sto niño ang learning continuity plan ng department of education (DEPED)na online class.
Ayon kay Genalyn Campus Oarde,school head ng Lipatan Integrated school, walang gadget na gagamitin ang ilan nilang mga mag-estudyante bukod pa sa pahirapan ang internet connection.
Aniya, bagamat may nakatakdang bagong I-install na unlimited internet na pinondohan ng kanilang eskwelahan mahihirapan pa rin ang mga mag-aaral lalo na kung nasa kani-kanilang mga bahay.
Dahil dito, magkakaroon ng pag-uusap ang kanilang kaguruan para mapag-usapan ang bagong pamamaraan ng pagtuturo para makaiwas sa nakamamatay na virus.
Ilan sa kanilang mga nakikitang maaring ipatupad sa eskwelahan ay ang pagbibigay ng module at learning sheet sa mag-aaral.
Samantala, ikinalungkot naman ni Oarde ang mababang bilang ng mga magulang na sumagot sa kanilang online survey na kung papayag ba sila na papasukin ang kanilang mga magulang sa eskwelahan kahit wala pang bakuna ng Covid-19.
Aniya, iilan lamang ang sumagot mula sa mga magulang ng kanilang 131 na mag-aaral dahil sa kawalan ng gadget at internet connection.