Tuguegarao City- Pinalakas ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 ang kanilang online monitoring upang matiyak na walang online sellers na mananamantala ng mataas na presyo ng bilihin.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Romleah Juliet Ocampo, Director ng DTI Region 2, marami sa ngayon ang online sellers na dapat bantayan sa gitna ng epekto ng pinalawig na Enhance Community Quarantine sa luzon.

Aniya, bahagi ito ng kanilang mandato na huliin ang mga mapagsamantalang sellers na nagbebenta ng sobra sa “Suggested Retail Price”.

Maalalang may mga nahuli na ang mga otoridad sa mga ikinasang entrapment operations dahil sa pagbebenta ng mga alcohol, sanitizing kits at ipa pang produkto na sobra sa SRP at walang mga proper labels.

Samantala, naglabas na din aniya ng memorandum circular ang naturang tanggapan kaugnay sa panic buying.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag ni Ocampo, lilimitahan ang bilang na dapat bilhin ng isang consumer base sa kanilang pangangailangan upang maiwasang magka-ubusan ng supply bunsod ng panic buying.

Sa pamamagitan aniya nito ay makakabili ang lahat ng kanilang pangangailangan lalo na ng pagkain at mga sanitizing kits ng maiiwasan ang shortage.

Tiniyak naman ng direktor na sapat din ang supply ng basic commodities sa rehiyon sa gitna ng umiiral na ECQ.

Patuloy din ang panawagan hinggil sa “social distancing” upang maiwasan ang pagkalat ng virus na dala ng COVID-19.