Nagsasagawa ng distribusyon ng mga punla ng gulay ang Office of the Provincial Agriculturist.

Ipinagkakaloob ang mga punla ng gulay sa mga bumibisita sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Barangay Anquiray sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Kabilang sa mga ipinamamahagi ay ang pinakbet at sinigang type na punla ng gulay kung saan regular ang pagpapatubo para maipagkaloob sa iba’t ibang munisipalidad ng lalawigan.

Sinimulan ang programang ito noong panahon ng pandemya na layon ding maimulat sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagtatanim ng gulay na makakatulong sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.