Paiigtingin pa ng mga kapulisan ang kanilang ginagawang operasyon laban sa mga iligal na nangangahoy sa buong Lambak Cagayan.
Ito ang sinabi ni PMAJ Sharon Malillin tagapagsalita ng Police Regional Office 2 matapos na makapagtala ng P7,845,500 ang halaga ng mga nakumpiskang kahoy mula noong buwan ng Enero hanggang ngayong buwan ng Nobyembre.
Nanguna umano ang lalawigan ng Nueva Vizcaya sa may pinakamataas na datos at halaga na umabot sa mahigit P3Million, pangalawa ang Cagayan na may mahigit P2Million habang mahaigit P1Million naman sa lalawigan ng Isabela.
Ganundin sa Batanes na may datos na P15,489, Quirino na may nakumpiskang halaga na P359,739 at lungsod ng Santiago na umabot naman sa P20,595.
Aniya mula sa 158 na naitalang kaso at 348 na anti-illegal logging operations na isinagawa, nasa 141 ang naisasampang kaso ng PNP sa korte kung saan 226 na suspek dito ang naaresto.
Isang dahilan aniya ng pagka-aresto ng mga illegal loggers ay ang kawalan nila ng kaukulang dokumento para sa mga kahoy, walang permit na galing sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) pati na rin ang mga kahoy na inabandona at iniwan na sa lugar ng operasyon.