Pag-aaralan ni Philippine National Police (PNP) chief Major General Nicholas Torre ang posibleng adjustment sa operational procedures ng PNP.

Aminado si Torre, na ngayong mabilis na ang responde ng PNP sa nangyayaring krimen, mahalagang masiguro pa rin ang kaligtasan ng mga pulis.

Ginawa ng PNP chief ang pahayag matapos personal makiramay sa burol ng nasawing pulis sa engkwentro kahapon ng madaling araw sa isang holdaper sa Barangay Commonwealth, Quezon.

Ani Torre, patunay ito na nakaka-engkwentro na ng mga pulis ang mga kriminal.

Dahil sa pangyayari, ikinukunsidera ni Torre ang pagbili ng makabagong kagamitan ng mga pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Ginawaran ni PNP Chief Gen. Torre si Patrolman Harwin Curtney Baggay ng Medalya ng Kadakilaan at iniabot din ang tulong pinansyal sa mga magulang ni Baggay ng higit ₱300,000.

Ginawaran din ni chief PNP ng Medalya ng Kagalingan ang kasamahan ni Baggay sa engkwentro na si Patrolman Robert Gregorio.

Bukas ng umaga ibabalik ang mga labi ni Baggay sa Pinukpuk Kalinga sa Cordillera.