TUGUEGARAO CITY-Muling pinabulaanan ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang black sand mining sa Aparri,Cagayan.
Reaksion ito ni Rogie Sending ng Provincial Information Office sa kumakalat ngayon na mga larawan sa social media na barko na kumukuha ng itim na buhangin sa Brngy. Bisago.
Sinabi ni Sending na dapat nang masanay ang mga mamamayan sa nakikitang vessel sa Aparri dahil sila ay nagsasagawa ng de-clogging sa bunganga ng ilog na paunang hakbang sa isasagawang dredging para sa nakatakdang pagbubukas muli ng Port Irene.
Ayon sa kanya,hindi black sand ang kinukuha ng nasabing barko.
Idinagdag pa ni Sending na nagsagawa na ng imbestigasyon sa lugar ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno tulad ng Mines and Geosciences Bureau at Department of Environment and Natural Resources.