Naghain ng resolution ang opposition lawmakers na humihiling kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagkalooban ng clemency ti Mary Jane Veloso na convicted sa drug trafficking sa Indonesia.

Sinabi ng mga mambabatas na nagdusa na si Veloso sa kanyang pagkakakulong ng 14 taon at hindi nasubaybayan ang paglaki ng kanyang mga anak.

Nakasaad pa sa resolution na nararapat na ipagkaloob kay Veloso ang clemency dahil siya ay biktima ng human trafficking at hindi siya drug mule.

Nakatakdang bumalik ng bansa si Veloso bago mag-Pasko, matapos ang nabuong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia para sa paglilipat sa kanya ng kulungan sa ating bansa.

Inihain ang resolution nina House Deputy Minority Leader France Castro of ACT Teachers party-list, House Assistant Minority Leader Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.

-- ADVERTISEMENT --