Naghain na ng impeacchment ang opposition parties sa South Korea laban kay Pangulong Yoon Suk Yeol kasunod ng nakakagulat at sandali lamang na deklarasyon niya ng martial law na nagbunsod para palibutan ng armadong tropa ang parliament bago umakyat ang mga mambabatas sa mga pader para muling makapasok sa gusali at nagkaisang bumoto na tanggalin ang kautusan ng kanilang pangulo.

Kailangan ang suporta ng two-thirds of parliament, at kahit anim na justices ng nine-member Constitutional Court para sa endorsement ng impeachment para matanggal si Yoon.

Ang motion to impeach, na isinumite ng pangunahing liberal opposition Democratic Party at limang maliliit na opposition parties, ay posibleng pagbotohan bukas.

Una rito, nag-alok ng kanilang resignation ang senior policy advisers at Defense Minister Kim Yong Hyun.

Naghain sila ng hiwalay na motion to impeach laban kay Kim, na siya umano ang nagrekomenda ng martial law declaration.

-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang mga mambabatas mula sa Democratic Party, na hawak ang mayorya sa 300-seat parliament kay Yoon na agad na magbitiw sa kanyang puwesto.

Binigyang-diin ng partido na ang martial law declaration ni Yoon ay isang malinaw na paglabag sa konstitusyon, dahil hindi ito sumunod sa requirements para sa nasabing hakbang.