Tuguegarao City- Inaprubahan ng Tuguegarao City Council ang isang ordinansa na naglalayong paigtingin ang pagpapatupad ng mga safety protocols at mga guidlinines sa mga terminal sa lungsod.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay at mga operators ng mga Public Utility Vehicle (PUV) laban sa banta ng COVID-19.

Sinabi ni City Councilor Reymund Guzman na bahagi ng mandayo ng LGU Tuguegarao ang panatilihing nasusunod ang mga panuntunan upang malabanan ang pagkalat ng virus.

Bilang bahagi aniya nito ay imomonitor pa ng mga kawani ng LGU ang mga terminal kung nasusunod ba ang mga alituntunin na dapat sundin.

Kabilang sa mga ito ay ang pagpapanatili ng Social distancing, pagkakaroon ng mga sanitizing kits o disinfectants, thermal scanner at kabilang na ang no facemask no travel policy.

-- ADVERTISEMENT --

Muli ay hinikayat pa nito ang publiko sa pagsunod upang maiwasan ang banta pa rin ng nakakahawang sakit.