Tuguegarao City- Ipinasa na ng Tuguegarao City Council ang isang ordinansang naglalayong patawan ng regulatory fees ang mga pagtatayo ng mga cell tower sa lungsod.

Ito ay sa layuning makapag generate ng kita ang lungsod sa gitna ng nararanasang pandemya na dulot ng COVID-19.

Sa panayam kay City Counselor Reymund Guzman, nakapaloob sa ordinansa ang konstruksyon, installation, maintenance at pag-upgrade ng mga telcos upang mapabilis ang kanilang internet connectivity.

Ipinunto niya na iniklian na ang proseso sa pagkuha ng mga requirements ng mga telcos alinsunod sa inilabas ng joint memorandum circular ng department of information and communication technology o dict, dilg at iba pang ahensiya.

Aniya, P30,000 bawat taon ang ipapataw na regulatory fees sa mga kumpanyang nais magtayo ng tower sa lungsod.

-- ADVERTISEMENT --

Bahagi nito ay iniklian nalamang ang listahan ng mga requirement na dapat isecure ng mga kumpanya upang mapabilis ang kanilang pagtyatayo ng mga tower.

Ilan lamang sa mga pangunahing hahanapin ay ang building permit, location clearance, occupational permit at iba pang basic requirement bago dumaan sa konseho ng lungsod para sa isang resolution of law objection.

Paliwanag ni Guzman, bago magbigay ng resolution of law objection ang konseho ay dito na aalamin ang hinaing ng publiko upang mapag-aralan ang mga ilalatag na hakbang at rekomendasyon para sa solusyon sa posibleng mga problema.

Gayonman, tatalakayin ng committee of the whole sa susunod na linggo ang hinaing ng ilang residenteng tutol sa ipapatayong tower ng DITO Company dahil sa malapit ito sa mga kabahayan at pinangangambahang magdulot ng problema sa kalusugan at kung may malakas na bagyo at lindol.

Sinabi pa niya na kung wala namang rason na madis-approve ang operasyon ay aaprubahan ito sa loob ng pitong araw mula sa araw ng kanilang compliance.

Tiniyak nito na pag-aaralang mabuti ng konseho ang mga proposal ng bawat kumpanya upang makapagbigay ng kapakipakinabang na serbisyo sa mga residente ng lungsod

Ginawa ang nasabing hakbang upang maisaayos at mapadali ang pagtatayo ng mga cell towers alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte upang palakasin ang internet connection para magamit sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong pandemya.