TUGUEGARAO CITY- Target ng Department of Agriculture Region 2 na ma-convert sa organic agriculture farming ang 27,000 hectares ng 541,000 agricultural area sa rehion sa taong 2022.
Sinabi ni Robert Busania ng DA region 2 na sa ngayon ay nasa 18,000 hectares ng lupain pa lang ang kanilang ginagamitan organic agriculture.
Ayon kay Busania, mahalaga ang organic agriculture para sa kaligtasan ng kalusugan ng mga consumers at upang mapanatili rin ang fertility ng lupa.
Sinabi niya na sa kanilang isinagawa kasing research sa ilang gulay at mga prutas ay may nakita silang maraming pesticide residue na delikado umano ito sa kalusugan.
Samantala, sinabi ni Busania na naging matagumpay ang isinagawang 14th Organic Agriculture Congress sa Santiago City kamakalawa.
Sinabi ni Busania na dinaluhan ito ni DA Assistant Secretary Eveleyn Laviña at Region 2 Executive Director Narciso Edillo at mga magsasaka na gumagawa ng organic farming.
Ayon kay Busania, ang tema ng aktibidad ngayong taon ay “Organikong Agrikultura para sa Kumikitang Kabuhayan at Kalusugan”.