Nagpaliwanag ang pamunuan ng Office of the Senior Citizen Affairs sa Tuguegarao City kaugnay sa hindi pagkakasama ng lahat ng senior citizen sa listahan ng mga tumatanggap ng social pension mula sa Department of Social Welfare and Development
Sinabi ni Luisito Tumaliuan, presidente ng OSCA-Tuguegarao na dumaan sa masusing validation ng OSCA at DSWD ang mga tumatanggap ng pension
Tugon ito ni Tumaliuan sa reklamo ng ilang senior citizen na may mga retired teachers na malalaki ang bahat at may mga sasakyan pa ang tumatanggap ng pension gayong may mas higit na dapat na makatanggap nito
Ipinaliwanag ni Tumaliauan na ang mga ari-arian ng mga nasabing dating guro ay mula sa kanilang pagtuturo at kanilang nakuhang retirement benefits
Subalit, sa kanilang pag-validate umano sa sitwasyon ngayon ng mga nasabing dating guro ay mahina na sila at wala silang pinagkakakitaan
Ayon sa kanya,prioridad ng OSCA at DSWD ang mga mahihirap , may sakit at walang pinagkakakitaan na mga senior citizen na mabigyan ng nasabing pension
Samantala,nabatid mula kay Tumaliuan na mahigit 18,000 ang senior citizen at mahigit 6,000 lang ang tumatanggap ng social pension