Nasungkit ni Camila Osorio ng Colombia ang kauna-unahang WTA 125 Philippine Women’s Open singles title nitong Sabado, Enero 31, 2026, sa Rizal Memorial Sports Complex.

Tinalo ni Osorio ang kinatawan ng Croatia na si Donna Vekic sa isang dikdikang tatlong-set na laban, 2-6, 6-3, 7-5, upang tuluyang maiukit ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng torneo.

Matapos mabigo sa unang set, bumangon ang Colombian tennis star at ipinakita ang tibay ng loob at determinasyon sa sumunod na dalawang set.

Sa huling set, nagpalitan ng puntos ang dalawang manlalaro bago tuluyang sinelyuhan ni Osorio ang panalo sa iskor na 7-5.