Maaari nang makapamili online ng ibat-ibang food at non-food products mula sa One Town One Product (OTOP) hubs sa pamamagitan ng “Padday na Lima” webshop na kauna-unahang inilunsad ng Department of Trade and Industry sa Region 2.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Michael Paggabao ng DTI-RO2 na isa itong online digital platform na pinapagana ng ‘deliverE’ para tulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na maibenta ang mga best product ng ibat-ibang bayan sa rehiyon.
Ang mga produkto sa online store ay matatagpuan sa mga sentro ng bilihan ng mga pang-pasalubong mula sa limang OTOP Hub sa rehiyon na kinabibilangan ng Tuguegarao City at Gattaran sa Cagayan, Santiago City, Isabela, Bayombong, Nueva Vizcaya at sa Quirino.
Ilan lamang sa mga produkto ay ang carabao milk candy, chicharabao, peanut, chili sauce sa Cagayan; fruit wines, hand wooven at coffee and coconut products sa Isabela; Fossilized Flowers naman sa Quirino; habang mga fruit based products naman sa Nueva Vizcaya.
Maaaring namang makita ang produkto o umorder online sa website na paddaynalima.delivere.tech.
Aniya, umaasa ang DTI na tatangkilikin ng publiko ang mga local products para makatulong sa MSMEs na lubos na apektado ng pandemya at maging sa mga homegrown delivery service sa rehiyon na partner ng ahensya sa delivery ng mga produkto.