5th

Pinarangalan ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang kanilang outgoing commander na si MGen Laurence Mina sa ginanap na Testimonial Parade and Review kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day.

Ayon kay Army Captain Rigor Pamittan, hepe ng Public Affairs Office na nilahukan ng mga Officers at Enlisted Personnel ng 5ID ang naturang aktibidad bilang parangal kay Mina na nakatakdang magretiro sa susunod na buwan.

Naging highlights dito ang mga naging accomplishments sa mahigit dalawang taong pamumuno ni Mina kung saan marami nang mga rebelde ang sumusuko sa pamahalaan at humina na ang kanilang pwersa.

Kasabay nito, sinabi ni Pamittan na pinarangalan din sa naturang aktibidad ang mga stakeholders, Local Government Units at ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na katuwang ng kasundaluhan sa kanilang mandato sa paglaban sa insurhensiya.

Inihalimbawa nito ang apat na katutubo na pinakabagong sumuko sa mga kasapi ng 95th Infantry Battalion sa ilalim ng 502nd Infantry Brigade dala ang walong matataas na kalibre ng baril sa Brgy Minanga, PeƱablanca, Cagayan noong August 25, 2022

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Pamittan na ang mga sumuko ay kabilang sa Komiteng Probinsya o KOMPROB-Isabela-Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV).

Samantala, ibinida rin ni Pamittan ang ginagawang pagtulong ng mga sundalo sa Cordillera Administrative Region at Region 2 na nasasakupan ng 5ID sa panahon ng kalamidad na maituturing na isang kabayanihan.

Dagdag pa rito ang pag-abot sa mga mamamayan na nasa liblib na lugar upang dinggin ang kanilang mga hinaing at maidulog ito sa tamang ahensya ng pamahalaan na makakatulong sa kanila.