Overloading ang isa sa nakikitang dahilan sa pag collapsed ng isang forward truck bukod pa sa bumigay ang chassis nito sa Brgy.Alimannao, Penablanca.

Kinilala ni Pcapt.Lief Bernard Guya, deputy chief of police ng PNP Penablanca ang mga biktima na sina Harold Caranguian, 22 anyos at Angelo Guzman, 30 anyos na kapwa residente ng Sta.Maria, Isabela habang ang driver naman ng nasabing sasakyan ay si Jefferson Wao, 45 anyos, at residente ng Brgy.Rugao, Ilagan City Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing umano si Wao sa Tuguegarao City kasama sina Guzman at Caranguian na nakaangkas sa likod ng nasabing sasakyan at dala dala ang dalawang concrete mixer na dadalhin sana sa San Pablo, Isabela.

Pagkarating aniya sa Brgy.Alimannao, maharlika highway ay bigla na lamang bumigay ang kanialng sinasakyan dahilan upang tumilapon ang dalawang karga ng mga ito na mixer sa gilid na kalsada.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang dalawang helper habang wala namang nadamay na ibang tao sa pinangyarihan ng insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Napag alaman na bukod pa sa dalawang concrete mixer na karga ng forward truck ay mayroon pang mga tuyong semento sa loob ng sasakyan.

Sa ngayon ay maooperahan ang isa dahil sa tinamaan ang kanyang paa habang ang isa naman ay nakalabas na sa pagamutan at nasa maayos ng kalagayan.