TUGUEGARAO CITY-“Overtime pay”, ito ang hiling ng City Environment and Natural Resources (CENRO)-Tuguegarao sa opisina ni Mayor Jefferson Soriano para sa mga waste collectors ng lungsod.

Ayon kay Atty. Noel Mora, head ng Cenro-Tuguegarao,ito’y dahil maging sa gabi ay naghahakot ng basura ang mga ito.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mora ang mga waste collectors dahil sa sakripisyong ipinapakita ,mapanatili lamang ang kalinisan ng lungsod.

Samantala, muling hinimok ni Mora ang mga mamamayan ng lungsod na gawin ang paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di nabubulok para ito’y hakutin ng mga basurero.