Humihingi ang Office of the Vice President ng P785.204 milyon na budget para sa 2027, 11.7% na mas mababa kumpara sa P889.236 milyon nitong pondo ngayong 2026.

Sa panukalang budget, P561.651 milyon ang ilalaan sa maintenance at operating expenses, habang P220.232 milyon para sa personnel services at P3.321 milyon para sa capital outlay. Awtomatikong nakalaan naman ang P15.544 milyon para sa retirement at insurance premiums ng mga kawani.

Ayon sa OVP, gagamitin ang malaking bahagi ng pondo para sa mga programang nagbibigay ng ayuda at serbisyo, kabilang ang MagNegosyo Ta ’Day, Libreng Sakay, R.I.I.C.E. Food Bags, disaster operations at iba pang community assistance programs.