Napirmahan na ang Memorandum of Agreement (MoA) sa pagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa planong renovation ng OWWA Office sa Region 2.
Ang kasunduang ito ay naglalayong isakatuparan ang malawakang renovasyon ng OWWA building upang mas mapabuti ang mga serbisyo at pasilidad na ibinibigay sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Kasama sa mga gagawing pagbabago ay ang pagpapaganda ng mga opisina, pagsasaayos ng mga pangunahing pasilidad, at pagdaragdag ng mga bagong amenities para sa mas komportableng pag-aasikaso sa mga OFW at kanilang pamilya.
Sa naging mensahe ni OWWA Administrator Arnell Ignacio, binigyang-diin nya ang kahalagahan ng proyekto para sa kapakanan ng mga OFW kng saan sila ay nagbibigay ng malaking ambag sa ekonomiya pilipinas at nararapat lamang na ibigay din ang pinakamahusay na serbisyo at suporta para sa kanila.
Ayon kay Regional Director Versie tamayao ng owwa region 2,na Ang pirmahan ng MOA na ito ay isang hakbang patungo sa mas maayos at episyenteng serbisyo para sa mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa at ang pagpapatayo ng bagong pasilidad ay makakatulong upang mas mapabilis ang serbisyo at mas mapabuti ang kapakanan ng kababayan na nagtratabhao sa ibang bansa
Ang naturang proyekto ay nagkakahalga ng 32.5 milyun pesos at inaasahang magsisimula sa mga susunod na buwan at tatagal ng halos mahigit walong buwan upang masiguro ang mataas na kalidad ng pagkakagawa at kaligtasan ng lahat.