TUGUEGARAO CITY-Siniguro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mabibigyan ng tulong ang mga naapektuhan na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa travel ban dahil sa 2019 Novel coronavirus sa Hongkong, China at Macau.
Ayon kay Hans Leo Cacdac ng OWWA, pagkakalooban ang mga apektadong OFW ng P10,000 bilang tulong pinansyal dahil sa pansamanatalang pagtigil ng kanilang trabaho.
Bukod dito, bibigyan din ang mga ito ng temporary accommodation o pansamantalang tutulayan bago uuwi sakani-kanilang probinsiya, maging ang kanilang pamasahe pabalik sakanilang probinsiya ay sasagutin din ng OWWA.
Maliban dito, sinabi ni Cacdac na kakausapin din ng kanilang ahensiya ang mga employer ng OFWs dahil posibleng hindi nauunawaan ng mga ito ang kanilang sitwasyon at kanila rin kakausapin ang mga airlines na i-refund o i-rebook ang mga flight ng mga apektadong OFWs .
Kaugnay nito, sinabi ni Cacdac na magpunta lamang ang mga apektadong OFW sa OWWA office sa Pasay city o di kaya’y sa kanilang mga regional office at dalhin ang passport at travel documents.
Nabatid na nasa walong libo hanggang 15,000 ang apektadong OFWs kung saan nasa 300 na ang kanilang unang nabibigyan ng mga nasabing tulong.