TUGUEGARAO CITY- Inihayag ni Hans Leo Cacdac, administrator ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na nakahanda ang mga benefits para sa pamilya ng mga Filipino crew ng lumubog na cargo vessel sa Japan at ng nasunog na oil tanker sa Indian Ocean.
Sinabi ni Cacdac na sa ngayon ay nakatutok sila sa sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs sa isinasagawang search and rescue operation sa 36 na Pinoy crew ng Gulf Livestock 1 .
Ayon sa kanya, nakikipag-ugnayan na rin sila pamilya ng mga nasabing Filipino.
Sa nasabing insidente, dalawang Pinoy kabilang ang kapitan ng barko ang nailigtas habang isa pang Pinoy ang natagpuang patay.
Bukod dito, sinabi niya na inaalam pa nila ang buong detalye ng pagkasunog naman ng oil tanker sa Indian Ocean na ikinasawi ng isang Pinoy crew.
Labing walong Filipino crew ang lulan ng nasabingg oil tanker .