TUGUEGARAO CITY- Kaagad na sinira at sinunog ng mga otoridad ang nadiskubreng pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana sa madahong gilid ng daan na nagkakahalaga ng P1.2M sa Tinglayan, Kalinga.
Batay sa ulat pulisya, kasalukuyan ang kanilang pagpapatrolya para sa implentasyon ng Internal Security
Operation (ISO) “OPLAN MANFURAS 2021” sa Barangay Buscalan nang kanilang madaanan ang isang sako sa
madamong bahagi ng kalsada.
Nang bineripika kung ano ang nilalaman ng sako ay nakita ang pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana
na tinatayang nasa sampung kilo.
Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang naglagay at nagmamay-ari ng nadiskubreng mga marijuana sa
lugar.
Samantala, isang estudyante ng Rosario, Santiago City, Isabela naman ang nahuli nang tangkaing
magpuslit ng marijuana palabas ng tabuk City.
una rito, nakatanggap ng impormasyon ang Rizal Municipal Police Station na isang lalaki na lulan ng
bisikleta ang may dalang marijuana.
dahil dito, agad na naglatag ng checkpoint ang kapulisan na sanhi ng pagkakahuli ng suspek na bigo nang
pangalanan ng pulisya.
nakuha mula sa suspek ang tatlong marijuana bricks at dalawang maliit na marijuana na nakabalot sa
papel na may timbang na tatlong libong gramo at nagkakahalaga ng P360K
sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang estudyante maging ang mga nakumpiskang gamit para sa
kaukulang disposisyon.