Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng apat na Indian nationals sa Cainta, Rizal kahapon.
Ayon sa report ng Police Regional Office 4A, tinangay ng mga magnanakawa ang P1.3 million na halaga ng cash at ilang mahahalagang kagamitan.
Sinabi ng pulisya na nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima na kinilalang sina “Lambeer,” 42; “Kurmjit,” 42; “Jaspreet,” 30; and “Faith,” 10 sa subdivision sa Barangay Sto. Domingonang biglang pumasok ang apat na armadong kalalakihan at nagdeklara ng hold-up.
Kinuha ng mga suspek ang vault na naglalaman ng P200,000 na cash, maraming alahas na nagkakahalaga ng P1 million, dalawang mobile phones, na nagkakahalaga ng P101,000, iPad na nagkakahalaga ng P11,000, limang relo na nagkakahalaga ng P90,000, at kanilang mga pasaporte.
Ayon sa pulisya, tumakas ang mga suspek sakay ng itim na Ford Territory SUV na may plate number NBG 9800.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad at tinitignan ang footage mula sa malapit na CCTV sa lugar na posibleng makatulong para matukoy ang mga suspek.