Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng langis bukas, matapos ang bawas presyo nitong nakalipas na linggo.

Sa magkakahiwalay na abiso ngayong araw na ito ng mga kumpanya ng langis, may dagdag na P1.40 sa diesel habang P1 naman sa kerosene.

Ayon kay Rodela Romero, Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau assistant director, ang oil price hike ay dahil sa production cuts hanggang buwan ng Abril ngayong taon.

Bukod dito, apektado ang presyuhan sa nagpapatuloy na geopolitical tensions at conflict sa trade sector na posibleng magreresulta sa “short-term oil price volatility.”