Nag-alok si Governor Manuel Mamba ng Cagayan ng P1 million reward money para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon at makakapagturo sa mga suspek sa pagbaril-patay kay Mayor Joel Ruma ng bayan ng Rizal.

Ang hakbang na ito ng gobernador ay para sa agarang pagbibigay ng hustisya sa pagpatay kay Atty. Ruma.

Una rito, mariing konendena ni Mamba ang nasabing pamamaslang, kung saan binigyang-diin niya na walang puwang ang karahasan sa probinsiya.

Kasabay nito, nanawagan siya sa mga mamamayan ng Rizal na makipagtulungan sa mga awtoridad para sa mabilis na ikareresolba ng nasabing krimen.

Matatandaan na binaril-patay si Ruma habang nagsasagawa ng campaign rally sa barangay hall ng Iluru Sur noong gabi ng April 23, 2025.

-- ADVERTISEMENT --

Nasugatan din sa pamamaril ang dalawang iba pa na isang babae at lalaki na nagtamo ng tama ng baril sa kanilang katawan.