Nasa P10.4 milyon ang natanggap na tulong ng local coffee industry sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Iginawad ang tulong pinansiyal sa limang coffee growers associations at 13 coffee shops sa iba’t ibang bayan sa lalwigan mula sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) at Adjustment Measure Program (AMP) Assistance.
Ang bawat asosasyon ay nakatanggap ng P1.5 milyon, na may kabuuang P7.5 milyon upang mapahusay ang kanilang produksyon at benta ng kape sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga agricultural input at shared service facility.
Samantala, kasama rin sa mga nabigyan ng tulong ay ang 13 coffee shops.
Nagpahayag naman ng pag-asa si Gov. Jose Gambito sa malaking potensiyal ng industriya ng kape sa lalawigan.
Ayon kay Gambito na maitataas nito ang ekonomiya ng nueva vizcaya kung kayat kailangan ang sapat at tamang suporta sa mga coffee farmers.
Binigyang diin nito na hindi siya magtatataka na magiging coffee capital ng Pilipinas ang Nueva Vizcaya.