Nasabat ng Philippine Navy ang P10 billion na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa isang fishing vessel sa karagatan ng Zambales.
Sa statement ng Philipine Navy, ang nasabing fishing vessel ay minamandohan ng foreign nationals.
Nasabat ito ng Philippine Navy sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)ng ala-una y medya ng madaling araw.
Ang matagumpay na operasyon ay sa pamamagitan ng Northern Luzon Naval Command, kung saan ang nasabing illegal drugs ay tumatimbang ng 1.5 tonelada.
Idinagdag pa ng Philippine Navy na isa ito sa pinakamalaking illegal drug apprehension sa kasaysayan ng ahensiya bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.
Sinabi ni PN spokesperon Captain John Percie Alcos, siniyasat ng NLNC at PDEA ang nasabing barko nang makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa sakat ng nasabing sasakyang pandagat.
Dadalhin ang mga ito sa naval operating base sa Subic, Zambales para sa tamang documentation at turnover.
Ang pagkakasabat sa mga nasabing droga ay kasunod ng serye ng pagkakadiskubre ng floating shabu sa West Philippine Sea, kabilang sa ilang bayan sa Cagayan buhat nitong nakalipas na buwan.
Ayon sa PDEA, posibleng may koneksion ito sa international criminal syndicate na “Sam Gor,” na kumikilos sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific region, kabilang ang Pilipinas