Pinag-aaralan ng Department of the Interior and Local Government na mag-alok ng P10 million na pabuya sa mga impormasyon na magreresulta sa pag-aresto kay Atong Ang, na may arrest warrants may kaugnayan sa missing sabungeros.

Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na plano ng mga opisyal na ianunsiyo ang pabuya mamayang hapon para may mapilitan na sumuko na lamang si Ang sa mga awtoridad.

Ayon kay Remulla, nasa bansa pa si Ang, batay sa kanilang monitoring, at nakatuon ang pansin ng mga awtoridad sa Luzon sa paghahanap sa negosyante.

Itinuturing ni Remulla si Ang na “armed and dangerous” dahil sa mga alegasyon laban sa kanya na sangkot siya sa pagpatay sa mahigit 100 katao.

Sinabi ni Remulla na handa ang mga awtoridad kung sakaling lalaban si Ang sa pag-aresto sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang si Ang sa 18 akusado na may warrant of arrest may kaugnayan sa pagkawala ng mga sabungero.

Nahaharap si Ang ng 15 counts ng kidnapping at serious illegal detention at four counts ng kidnapping with homicide.