Nanalo ng mahigit P100 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang isang 23-anyos na babae mula sa Quezon City noong Marso 18, 2025.

Ayon sa ulat ng PCSO, tumaya lamang ng P60.00 ang naturang lotto winner gamit ang parehong kombinasyon ng mga numero na matagal na niyang ginagamit sa bawat taya—isang personal na paniniwala na balang araw ay magdadala ng suwerte para sa kaniyang pamilya.

Matagal nang umaasa ang dalaga na mababago ang takbo ng kanilang buhay sa pamamagitan ng lotto, lalo na matapos ang sunod-sunod na pagsubok na dumaan sa kanilang pamilya, kabilang na ang pagkalugi ng kanilang negosyo.

Kaya naman nang tanungin kung ano ang una niyang gagawin sa kanyang napanalunang P100.89 milyon, hindi na siya nagdalawang-isip at sinabing ito’y pambayad ng utang.

Dagdag pa niya, layunin niyang ibalik ang pinansyal na katatagan ng kanilang pamilya at masiguro ang mas maayos na kinabukasan para sa kanila.

-- ADVERTISEMENT --

Ang winning combination sa nasabing draw ay: 19 – 2 – 21 – 13 – 16 – 22.