TUGUEGARAO CITY-Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa dalawang babae na nahuli sa drug buy bust operation kagabi sa Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ni PCAPT Ruff Manganip, information officer ng Kalinga PNP ang isa sa mga suspect na si Maila Tayaan, alyas ‘Maymay’, 21 anyos, grade 12 student habang ang kanyang kasama ay 15 anyos na grade 8, kapwa residente ng Brgy. San Pascual, Rizal, Kalinga.

Sinabi ni Manganip na nagpanggap na buyer ang isang operatiba at nagkasundo na magkikita sila sa Barangay Bulanao Norte, Tabuk City kung saan nakuha sa dalawang suspect ang isang plastic na binalot sa papel at packing tape na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 15 grams at may estimated value na P102, 000.

Ayon kay Manganip, matagal na minanmanan ng mga PDEA at PNP si Tayaan dahil sa mga impormasyon na sa kanya bumibili ang ilang sangkot sa iligal na droga na tinatawag nilang si ‘Maymay’.

Sinabi ni Manganip na barter system umano ang ginawa ni ‘Maymay’ kung saan ay ipinapalit niya ng shabu ang kinukuha niyang marijuana mula sa bayan ng Tinglayan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Manganip, inamin ni ‘Maymay’ na nagtutulak siya ng shabu na mula pa umano sa Maynila.