Tuguegarao City- Inaasahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 2 na maibababa ang P1 M pondo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado sa travel ban dahil sa novel cornavirus.
Sa panayam kay Director Luzviminda Tumaliuan ng OWWA Region 2, kwalipikado umano sa pagtanggap ng P10,000 financial assistance ang mga ofw na nakansela ang flight mula noong Pebrero 2-9 ngayong taon.
Sa ibinabang implementing guidelines ay dapat umanong personal na magtungo ang mga apektadong OFW sa tanggapan ng OWWA at ipakita ang kanilang passport, airline ticket at proof of employnment.
Ayon pa sa director na hintayin lamang umano ang paabiso ng kanilang tanggapan kung kailan maaaring mag-claim dahil marami na umano ang mga nagsasadya sa kanilang opisina kahit na wala pang pahayag ang OWWA kaugnay dito.