
Inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na pinag-aaralan niya na dagdagan ang P10 million na pabuya para sa mga impormasyon na magreresulta sa pag-arestokay Atong Ang, na may warrant of arrest may kaugnayan sa missing sabungeros.
Sinabi ni Remulla na kung mapipikon na siya ay posibleng dagdagan niya ang nasabing pabuya.
Nitong nakalipas na linggo nang ianunsiyo ni Remulla ang P10 million na patong sa ulo ni Ang para sa mabilis na pag-aresto sa kanya.
Ayon sa kanya, itinuturing niya na number one most wanted person si Ang dahil sa kanyang pagkakasangkot umano sa pagpatay ng mahigit 100 na missing sabungeros.
Kahapon ay may ulat na nasa Cambodia na si Ang, subalit sinabi ni Remulla na naniniwala siyang hindi pa nakakalabas ng bansa ang pugante.
Una na ring sinabi ng Bureau o Immigration na wala silang na-monitor na paglabas ng bansa ni Atong Ang.










