TUGUEGARAO CITY-Aabot sa P11m na halaga ng tanim na marijuana ang binunot at sinunog ng pinagsanib na pwersa ng pulisya, militar at PDEA sa dalawang plantation site sa Brgy. Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay PCAPT Ruff ManganiP, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office na nadiskubre ng mga operatiba sa unang plantation site ang nasa 5, 000 na piraso ng fully grown marijuana plants na may standard drug price na P1m sa lupain na may sukat na 500 square meters.

Habang sa ikalawang plantation site ay nadiskubre ang 50, 000 piraso ng marijuana plants sa lupain na may sukat na higit kumulang na 2, 000 square meters na tinatayang nagkakahalaga ng P10m.

Sinabi ni Manganip na bagamat walang nahuling cultivator ay may mga patunay umano na sinadyang itinanim ang mga nasabing marijuana.

-- ADVERTISEMENT --

Kasunod nito ay inatasan na ng bagong Police Regional Director ang mga local Chiefs of Police na balikan ang mga lugar na kilalang marijuana plantations para tiyakin n wala nang marijuana ang tumutubo roon.