Aabot sa P12,000 ang halaga ng mga sinirang ilegal na paputok na nakumpiska ng pulisya sa Region II at ng PNP Regional Civil Security Unit (PNP-RCSU).
Ayon kay LTCol Froilan Uy, chief ng PNP-RCSU na nakumpiska ang mga nasabing paputok sa mga operasyon na isinagawa ng pulisya bago ang selebrasyon ng Bagong Taon.
Kabilang sa mga sinirang nakumpiskang paputok ay ang belt ni judas at iba pang unlabeled na klase ng paputok upang hindi na pakinabangan pa.
Nagbabala si Uy na patuloy ang isasagawang paghuli ng mga pulis sa mga illegal na paputok upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pagsalubong sa bagong Taon.
Sa datos ng Department of Health Region 2, anim na ang firecracker related injuries ang naitala sa lambak ng Cagayan.
-- ADVERTISEMENT --