Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang P15.7 milyong halaga ng umano’y smuggled na sigarilyo sa isang checkpoint sa Pigcawayan, Cotabato noong Huwebes, Setyembre 4, 2025.

Ayon sa ulat, dalawang wing van trucks ang pinahinto ng pulisya at nadiskubreng may mahigit 400 kahon ng sigarilyo na itinago sa ilalim ng mga sako ng uling at buhangin upang hindi mahalata.

Dinala ang mga nakumpiskang kontrabando sa himpilan ng Police Regional Office-SOCCSKSARGEN (PRO-12) sa General Santos City kinabukasan para sa inventory ng Bureau of Customs (BOC-12).

Limang katao, kabilang ang dalawang drayber, ang agad na inaresto.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang mga sigarilyo ay nagmula umano sa Lanao del Sur at nakatakdang ihatid sa Kabacan, Cotabato.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay PRO-12 Director Brigadier General Arnold Ardiente, ang kaso ay maituturing na economic sabotage o agricultural smuggling, na isa nang non-bailable offense.

Nagbabala rin ang PRO-12 sa maliliit na tindahan na huwag tumanggap o magbenta ng smuggled na sigarilyo dahil mananagot pa rin sila sa batas.