Magpapatupad ang Department of Agriculture (DA) ng bagong maximum suggested retail price (MSRP) para sa pulang sibuyas na P150 kada kilo simula Huwebes, Disyembre 11.

Ito ay bunsod ng mga isyu sa maling pag-label at pagtaas ng presyo.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., may ilang tindero na nagsasabing lokal ang kanilang pulang sibuyas para makapagtaas ng presyo, kahit imported ito mula China o India.

Ang bagong MSRP ng pulang sibuyas ay P150 kada kilo mula sa dating P120, habang ang presyo ng puti at dilaw na sibuyas ay mananatili sa P120.

Maglalabas din ang DA ng show-cause orders sa mga tindero na hindi susunod sa bagong presyo. Aayusin din ang labeling rules upang malinaw kung lokal o imported ang sibuyas.

-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang DA sa mga mamimili na ipaalam sa awtoridad kung may mga tindero na lalabag sa patakaran.